Sunday, March 30, 2014

Para sa mga nakapagtapos

Hindi man ako katulad ni Rizal
Sana ay may nakuha kayong aral
At huwag ninyong itatanggal
Ang lahat ng mabuting asal

Kung ang tagumpay ay mabagal
Dapat kayo ay magdasal
Dahil ang hirap ay di matatagal
Sapagkat nandyan ang Maykapal

Maligayang pagtatapos sa lahat ng mga kabataan nagtapos ngayong taon 2014!

Ang makata, bow. *-*
...Buhay ko ang pagsusulat ngunit kung ito'y mawawala ay wala na ring saysay ang buhay ko...

Wednesday, September 25, 2013

Kamusta!

Nandito na naman ako. Nabuhay na naman ang aking kaluluwa. Hahaha. Sa totoo lang, nais ko ulit magsulat ng kung anu-ano sa akin blog. Sana ay may magawa akong bagong tula para maibahagi ko ulit dito. Sa ngayon... nagpaparamdam lang muna ako. Hahaha. Maraming salamat sa lahat ng mga nagbasa ng aking mga tula! Hayaan ninyo... magsusulat ako pero hindi pa sa ngayon. Magandang gabi.

Ang makata, bow. *-*
...Buhay ko ang pagsusulat ngunit kung ito'y mawawala ay wala na ring saysay ang buhay ko...

Monday, March 19, 2012

Mga bagay-bagay sa ating buhay

Matagal na rin... bago ako nakapagsulat sa aking blog. Ang bilis ng panahon at ng pagkakataon... Salamat sa mga bagay na nagbigay ng mga saya at lungkot. Naku, may paka-EMO ako ngayon. Pagod lang siguro ako dahil sa daming ng gawain sa opisina. Gusto kong magsulat ulit at magbahagi ng aking saloobin pero siyempre may mga bagay na hindi dapat isulat sa blog. May mga privadong bagay na dapat lang ilagay sa ating mga utak at puso.


Ang makata, bow. *-*
...Buhay ko ang pagsusulat ngunit kung ito'y mawawala ay wala na ring saysay ang buhay ko...