
Matagal na rin akong hindi nakakaawit sa entablado. Matagal na rin bago ulit naulit. Minsan parang gusto ko nang hindi kumanta. Parang gusto kong masira ang aking boses at hindi na muling umawit. Ngunit aking natanto na dapat kong ingatan ang regalo ng Maykapal sa akin. Dapat kong gamitin ang pinakamaganda parte ng aking katawan... ang aking boses. Dapat ko pa ring gamitin at ipamahagi ang aking boses, kahit hindi man ako sikat o kilala. Dapat pa rin akong matiwala na ang aking boses ay may buhay... ang aking boses ay may kulay... at ang aking boses ay may daan...
Ang makata, bow. *-*
...Buhay ko ang pagsusulat ngunit kung ito'y mawawala ay wala na ring saysay ang buhay ko...