"ANG TABA KO NA NAMAN!!!"... Ito ay aking napansin sa katawan ko. Sa sobrang pagod, binabawi ko ang aking sarili sa pagkain. At ang hirap pa nito, mabilis akong tumaba. Hindi tulad ng iba na hindi tumataba. Nasubukan ko na ang kung anu-anong pampapigil sa pagkain... "After 6pm-diet", "Vegetarian diet", "No-rice diet", atbp. Hehehe. Pero isa lang talaga ang nakatulong sa akin... ang pagpapalakas ng katawan o sa ingles ay "exercise". Malaking tulong ang pagpunta ko sa gym noon... nabawasan din ako ng 15 lbs.! Tama! 15 lbs.! Kaya nga gusto kong bumalik sa gym. Ang bawat punta ko sa gym ay isang malaking tulong upang lumabas ang lahat ng lason sa aking katawan at pampatanggal ng pagod. Dahil sa sobrang dami ng ginagawa ko sa trabaho, wala na akong oras para pumunta sa gym.
Marami akong naririnig tungkol sa yoga. Kaya naman... gusto ko itong masubukan! Maraming uri ang yoga... Ashtanga, Bikram, Hatha, Power Yoga at marami pang iba. Pero sa aking pagbabasa sa internet, parang gusto kong subukan ang Ashtanga at Bikram. At ang mabisa daw sa pagpapayat ay ang Bikram. Dahil sa sobrang init ng silid, paniguradong lalabas ang lahat ng pawis sa iyong katawan. At ito ang nais kong masubukan... pero hindi muna sa ngayon. Hehehe! Siguro kapag medyo maluwag na ang aking oras at siyempre... kapag may budget na rin. Hahaha! Ang mga posibleng yoga studios na pwede kong puntahan ay Bikram Yoga Manila at Symmetry Yoga. Malapit lang sa aking trabaho at maganda ang oras ng kanilang klase sa Bikram Yoga. Sa Symmetry naman ay malapit din sa aking trabaho at pwede ka pang mamili ng oras mo pero dapat sasabihan mo muna ang guro. Kaya lang ang Symmetry ay hindi Bikram. Ang uri ng yoga na itinuturo nila ay Ashtanga. Ang Ashtanga ay halos pareho din ng Bikram. Pero siyempre ang Bikram ay nasa mas mainit na silid. Samantala ang Ashtanga ay kahit saan ang silid mo... pwede sa kulob o malawak na lugar.

Gusto kong masubukan ito para siyempre pumayat ako at gumanda ang aking aura. Maraming benepisyo ang yoga base sa aking nabasa. Sana nga totoo ito kapag nasubukan ko na.
Ang makata, bow. *-*
...Buhay ko ang pagsusulat ngunit kung ito'y mawawala ay wala na ring saysay ang buhay ko...