Sa wakas... nasubukan ko na ang Ashtanga yoga!
Salamat na lamang at may gumabay sa akin. Tinuruan ako ng aking guro sa mga tamang paraan ng paghinga at pagpuwesto. Sinubukan ko muna ang Symmetry Ashtanga Vinyasa Yoga. Noon, medyo nadismaya ako sa kanya pero nang tumagal... nagustuhan ko ang istilo ng kanyang pagtuturo. Marami akong natutunan sa kanya pero sana matulungan niya ako sa aking pangarap. Huwag ninyo na tanungin kung ano ang aking pangarap... Hahaha.
Sa ngayon, lagi ko nang ginagawa ang Surya Namaskara A. Susubukan ko ang B... kaya lang... unti-unting kong susubukan ito. Hehehe. Madami pa akong dapat pag-aralan at subukan.
Kaya ko ito!
Ang makata, bow. *-*
...Buhay ko ang pagsusulat ngunit kung ito'y mawawala ay wala na ring saysay ang buhay ko...