Nais kong mag-isa ngayong araw. Parang gusto kong maikot-ikot o maglakbay. Parang gusto kong hanapin ang aking sarili sa bagong taon. Ewan ko ba... Basta! Hahanapin ko ang aking sariling at magbabago. Wala naman magsama dun. Gusto kong ipakita sa sarili ko na lahat ng bagay ay aking kakayanin. Hay naku! Masyadong seryoso ako ngayon. Pero ito talaga ang nararamdaman ng aking kaluluwa. Sana ay mahanap ninyo din ang iyong kaluluwa ngayong 2011. Sana ay palarin ako sa aking tatahakin. Sana ay maging matagumpay ako sa aking mithiin. Sana... sana... sana.... Basta kaya ko ito!
Ang makata, bow. *-*
...Buhay ko ang pagsusulat ngunit kung ito'y mawawala ay wala na ring saysay ang buhay ko...