Ang tula ay isang uri ng sining at panitikan ng pilipino na kilala sa malayang paggamit ng wika sa ibat ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ang anyo at estilo ng tula sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay.
Mga Elemento ng Tulang Pilipino
1. Saknong – isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.
2 linya – couplet
3 linya – tercet
4 linya – quatrain
5 linya – quintet
6 linya – sextet
7 linya – septet
8 linya – octave
2. Sukat – bilang ng pantig ng tula
Tugma – pinag isang tunog sa hulihan ng mga taludtod
* assonance – paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
* conssonance – paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan ang salita ay nagtatapos sa katinig.
3. Sining o Kariktan – paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita.
4. Talinhaga – ito ay tumutukoy sa paggamit ng matatalinhagang alita at tayutay.
5. Anyo – porma ng tula.
Ano ang Tula:
Ayon kina Ongoco at Pineda, ang tula ay madaling maipaliwanag bunga ng kawalan ng kaalaman sa pagsulat at pagbasa at kailangan munang matutunan ng mga tao upang maging malinaw at maipabatid sa iba ang isang akdang tuluyan. Ang mga akdang patula naman ay madaling maisaulo na maaring maipaulit sa iba hanggang sa mga susunod pang salinlahi.
Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod. Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.
Ano ang uri ng mga tula?
1. tulang liriko
a.) soneto
b.) elihiya
c.) oda
2. tulang pasalaysay
-nagasalaysay
a.) epiko
B.) awit at kurido
3. tulang dula o pantanghalan
a) Itinatanghal sa dula
Mula sa: http://pinoykultura.com/
Ang makata, bow. *-*
...Buhay ko ang pagsusulat ngunit kung ito'y mawawala ay wala na ring saysay ang buhay ko...