Friday, December 25, 2009

Papel

Sa kapirasong papel
Tanong ay isinulat
Sagot ay inaasam-asam
Sabik sa lahat ng kasagutan
Ito'y nais malaman
Upang aking matutunan

Daloy ng pagmamahal
Nais kong sukatin
Iyon pala'y ito ay 'di magmamaliw
Pangaral dapat kong itanim
Para ako'y hindi magsisi sa huli

Kung may mga tanong
Meron din kasagutan
Bawat sagot mayroon pa rin katanungan
Mundo'y talagang kataka-taka
Ngunit sa'yo, ito'y paulit-ulit lang

Dahil sa iyong karunungan
Lahat ay nalalaman
Kulang pa rin ang natutunan
Dapat ko pa rin alamin lahat ng bagay
Upang 'di magsisi sa aking buhay

Kay raming papel
Iyong ginagampanan
Walang kapalit ang iyong pagmamahal
Pagibig mo'y galing sa puso
At hindi sa papel lamang

Ang makata, bow. *-*
...Buhay ko ang pagsusulat ngunit kung ito'y mawawala ay wala na ring saysay ang buhay ko...