Tuesday, March 22, 2011

Ang mabait kong BOSS. :)

Kilala ninyo na siya. Siguro nakikita ninyo na siya sa t.v., nababasa na sa bibliya, napaguusapan sa bahay... sa kanto... sa eskinita... at kung saan-saan pa! Siya ang nag-iisang BOSS ko! Ang tanging nakaka-intindi sa lahat ng mga sinasabi ko... Kahit minsa'y hindi ko siya naiintindihan. Ngayon, siya lang ang tangi kong kaibigan at karamay sa buhay ko. Pero minsan ay nakakalimutan ko siya... kaya ang pananampalataya ko ay naglalaho. Ngunit... muli... babalikan ko at tatandaan ko ang lahat ng payo niya. Alam ko... na siya lang ang makakatulong sa akin upang lumakas ulit ako at sumipag. Mahirap man ang mga pasubok tiyak ay tutulungan niya ako sa pagpawi ng lungkot ko.

Ang makata, bow. *-*
...Buhay ko ang pagsusulat ngunit kung ito'y mawawala ay wala na ring saysay ang buhay ko...