Aking inaabangan ang teleseryeng kukurot sa puso ninuman. Ang teleserye, sa aking palagay, ay tatagal at sisikat. Nakakatuwa dahil meron na namang naisip na bagong teleserye na tiyak ay magiging makabuluhan sa lahat. Ito ay pinamagatang, "100 Days To Heaven".
Ito ay tungkol kay Anna Manalastas. Siya ay may kakaibang kwento ng buhay. Dapat niyang maayos ang buhay na nasira niya noon. Ang mga nagawang kasalanan niya ay kailangang i-tama. Babalik siya sa pagkabata at gagawin ang kanyang misyon kasama ang isang mahirap ngunit maayos na pamilya.
Ang mga aktor at aktres ay aking inaabangan rin... lalo na't si Connie Reyes ang bida! Isa sa mga natatanging aktres sa Pilipinas na may husay sa pag-arte. Si Xyriel Manabat ay isang magaling na batang aktres sa kasalukuyan. Nakilala siya bilang Agua Bendita kaya naman... ito'y ikinatuwa ko! Ang mga ibang karakter na ginampanan rin ng mga magagaling na aktor at aktres ay kasama sa nasabing teleserye.
Sana ay masundan ko ang mga bawat yugto ng nasabing teleserye dahil baka maging abala na naman ako sa aking trabaho. Tiyak, ito'y pag-uusapan na naman sa aming opisina!
Ang makata, bow. *-*
...Buhay ko ang pagsusulat ngunit kung ito'y mawawala ay wala na ring saysay ang buhay ko...